Hiya, Mitch! Yeah, thanks for adding me sa Friendster. You know, your Derelle has a smiling face. Parang lahat ng photos nya naka-smile sya. Must be very rewarding for you.
I just read your last entry. Nakakarelate ako sayo. Nakakawala ng pagod pag nakikita kong nagssmile si Halo. On my 1st day na back to work na ko, hirap na hirap akong iwan sya kasi nagssmile sya habang kinakausap ko sya. Tapos di ako mapakali sa office kasi I wanna make sure na naaalagaan sya nang mabuti nung nag-aalaga sa kanya. And syempre I get very cranky too pag nagwawala sya or ayaw matulog or pag di namin malaman kung anong gusto nya. But thank God she's over that stage na. Nung mga 1 month sya ganun. I even cried once when she was a week old ata kasi di talaga sya natulog from 1030pm-430am. Antok na antok na ko. Nauna na nga akong nakatulog sa kanya e. Nung nagising ako after ilang minutes, tulog na rin. I even had to ask my husband to go home during his break, since night shift sya, para tulungan ako. Tapos sobrang babaw pa nya matulog. Konting ingay, gising. Kelangan na namang patulugin all over again. There was one time when I closed the flip-top cap of my breast care gel after using it tapos nagising na sya. Nasanay pa sya sa buhat non. Di talaga sya matutulog pag di binubuhat e sobrang sakit na ng braso ko at katawan.
But now, she's manageable. Natutulog pag kelangan. Di na kelangan buhatin. Minsan, natutulog na syang mag-isa. But what she likes is when her parent's arms are around her when she sleeps. Itinatabi ko sya sa kin kasi pansin ko mas mahimbing sya matulog. Before she used to sleep separately from us pero mababaw nga ang tulog nya. When my husband suggested na itabi sya sa kin as in really really close, yung braso ko yung unan ni Halo, mas malalim na sya matulog. Kahit na di pa sya 100% asleep pag higa namin, nakakatulog din sya after a while for about 4-6 hrs. Tulog sa gabi at around 9pm to around 6-7am, just before I leave for work, kaya di ako napupuyat and I get to play with her bago umalis. Mas maayos na yung sleeping pattern nya now.
Halo's smiling and cooing a lot. Nakakatuwa pag nagssound sya na parang nakikipagusap sayo. Tsaka pag sobrang na-excite sya, sumisigaw. Di pa kasi sya maka-laugh out loud e. Parang minsan gusto nyang humalakhak pero walang lumalabas na sound. Gusto rin nya lagi syang may kausap. Pag alam nayng maraming tao sa paligid nya pero di sya pinapansin, she'd call for our attention.
Like you, I'm also very happy and thankful that Halo is healthy. So far she hasn't gotten any serious sickness. And I really pray that she wouldn't get any. Nung nagsuka nga lang sya dahil sa kabusugan when she was just some weeks old, umiyak na ko kasi baka kako may sakit sya. Hehehe... Yun pala normal lang yon pag sobrang busog ng baby. Ang takaw kasi nya e. Busog na pala, umiiyak pa rin for milk.
Physically, ang bigat na nya. Malakas din reflexes nya (namention ko na ba yun?) kasi at 1.5 mos pa lang, naiitayo na namin sya. At pag itinayo sya, nakatukod yung legs nya and she'd do the walking reflex. Pag inupo na or inihiga, umiiyak. Gusto nya nakatayo na sya. Right now, mas stable na yung head nya. Nalilift na nya head nya pag nakadapa sya. Hay naku! I can just go and on. Hehehe...
Sa april 23 ang binyag. I scheduled it that way para saktong 3 mos na sya. Can't wait nga na mabinyagan na sya kasi lam mo naman ang mga matatanda dito sa tin, masyadong maraming pamahiin. Yung lola ng husband ko galit na galit pag tinatakas namin si Halo para isama namin sa pamamasyal. Baka raw mamatanda dahil di pa nabibinyagan. E mga gala pa naman kami pareho ng hubby ko so I bet after the baptism, puro gimik na with Halo. Tapos summer pa so out-of-town trips galore na to.
Kaya lang if there's one thing I'm sad about it's my breastmilk's scarcity of supply. Nagwowork na kasi ako so naglessen na yung milk ko. Nung una, nakakapagpabreatfeed pa ko sa gabi. Kaso kumonti na nang kumonti as the days go by. Ngayon, I can barely make an ounce when I pump. Lumaki tuloy gastos namin sa infant formula. Pero I told myself, ok na rin kahit papano, at least almost exclusively breastfed sya for a couple of months. Oh well, can't do anything about it. Working mom e. 
O, ang haba na ng update ko. Ikaw naman.
|